FB icon     twitter icon    youtube icon      

Tag: obrero

Bakit umuusog ang EJK sa hanay ng obrero?

Sa unang sandaang araw ni Rodrigo Roa Duterte sa pagka-Pangulo, mahigit 3,000 at dumadami pang narkotrapikista ang naitutumba. May naitalang pito sa hanay ng manggagawa na hindi drogista ang napaslang nitong Setyembre 2016 lamang . At ang isusunod sa puntirya ang mga artista, pari o madre, aktibista laban sa buktot na pagmiminahan, pagsasaka, pangingisda at pagsira ng kalikasan, taga-media, politikong hindi pulpol, at ibang kontrapelo sa politika. Malay mo, ikaw na ang next sa matrix ng bagong era ng noong panahon ng Hapon ay binansagang mga makapili?

Read More