ni Carla Joy G. Pagala, PUP Intern

Manila, Pilipinas — Bilang isang estudyante at baguhang botante sa darating na eleksyon, isang napakahalagang oportunidad na makadalo sa pagpupulong na ginawa ng Church Labor Conference (CLC). Dahil dito mas napalawig ang aking kaalaman tungkol sa mga isyu na kinakaharap ng ating bansa partikular sa ating mga manggagawa. Higit pa rito, nagkaroon ako ng pagkakataon na marinig ang mga plataporma ng ating limang kandidato na tatakbo sa pagka-Senador sa parating na halalan. Napakaganda na ang kanilang adhikain ay para sa kapakanan ng ating mga manggagawa.

Nagustuhan ko ang isa sa kanilang layunin na ibaba ang mga presyo ng mga bilihin sapagkat sa panahon ngayon lahat na ng produkto ay nagsisitaasan ang presyo dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law. Maganda din sana na mas bigyan din nila nang pansin ang usapin sa kaligtasan ng ating mga manggagawa dahil ito nga ang isa sa kinakaharap nang ating mga manggagawang Pilipino na hindi masyadong napagtutuunan ng atensyon tulad na lamang sa kaso ng ating mga Hanjin workers sa Zambales.

Isa lamang yan sa patunay na talamak ang pang-aabuso sa mga manggagawa sa loob ng kani-kanilang trabaho. Ngunit sa kabila ng lahat nang magagandang hangarin ng ating limang kandidato, kung ano man ang maging boto ng ating sambayan ay hindi sana doon matatapos ang kanilang nasimulan. CPM

Related Post