Araw ng mga kasambahay, ipinagdiwang!
ni Princess Torno Ycot
Manila, Pilipinas — Ipinagdiwang ang Araw ng mga Kasambahay noong Enero 20, 2019 sa Eurotel, North Edsa, Quezon City,na dinalauhan ng mga kasambahay mula sa iba’t-ibang lugar. Pinangunahan ng UNITED, unyon ng mga kasambahay, ang selebrasyon at naging tampok ang pagbabalik-tanaw sa mga karanasan at pakikipaglaban ng mga dumalo bago maisabatas ang Kasambahay Law.

Isa sa mga naging panauhing pandangal sa nasabing okasyon ang pangulo ng Federation of Free Workers (FFW) at chairman ng NAGKAISA natatakbo bilang senador, si Atty. Matula. Ani niya,“Napaka-importante nitong batas kasambahay kasi tulong-tulong tayo dito nung ina-adapt ito noong 2011 o 2012 pero 15-years yung struggle. Sa tulong nga ng Department of Labor and Employment, Employers’ Confederation of the Philippines, at pakikipaglaban ng iba’t-ibang unyon, nabuo natin ito at naging riyalidad na sa ating bayan. At yun ang magagawa ng pagtutulungan, at saimplementasyon nito ay dapat tulong-tulong pa rin tayo para atleast matuloy ang dignidad at karapatan ng mga kasambahay natin”.
Ilan sa mga benepisyong nakapaloob sa ilalim ng Kasambahay Law ay ang pagkakaroon ng Three Thousand Five Hundred Pesos (P3,500) minimum na pasahod, bakasyon, SSS at Philhealth.
Bagaman may batas na para sa mga kasambahay at maaari na silang sumanib sa isang unyon, mayorya pa rin sa kanila ang hindi nakakaalam sa batas na ito kaya patuloy pa rin ang sitwasyon ng marami na nagiging biktima ng karahasan, pagsasamantala at di makatarungang kondisyon.
“Marami sa atin dito ay anak ng mahirap, nagtatrabaho tayo para umunlad ang ating buhay at kinikilala yan ng ating batas, Ang batas kasambahay. Ang ating ginagawa at trabaho ay may dignidad na dapat kilalanin ng bawat isang mamamayan sa pilipinas. Mahaba-haba pa ang laban ng mga domestic helpers at kailangan nating magtulungan para mapalakas pa ang batas,”pagtatapos ni Matula. CPM