Labor win sa senado 2019!
ni Princess Torno Ycot
Manila, Pilipinas — Nagsama-sama ang limang lider mangggagawa mula sa iba’t ibang unyon at pederasyon sa isang press conference na ginanap noong Enero 18, 2019 sa Casa Español De Manila na may layuning ilunsad ang platapormang LABOR WIN magbubuo ng mga agenda at programang makamanggagawa na isusulong at dadalhin sa senado.
#LABORBEAT12 upuan sa senado5 kandidato para sa manggagawaLABOR WIN sa Senado 2019suportahan ang mga manggagawang Pilipino sa laban sa senado!Ernesto Arellano, Allan Montaño, Sonny Matula, Neri Colmenares at Leody De Guzman.
Publiée par Center for People's Media sur Vendredi 18 janvier 2019
Isinabay din sa nasabing okasyon ang pormal na paghahayag ng mga lider manggagawa na sina Leody de Guzman mula sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Human lawyer at aktibistang si Neri Colmenares, pangulo ng Federation of Free Workers na si Attorney Sonny Matula kasama ang dating FFW president na si Allan Montaño at ang labor lawyer na si Attorney Ernesto Arellano ng Legal Advocates for Worker’s Interest (LAWIN) ang kanilang mga intensiyon na tumakbong ngayong halalan para kumatawan sa pinakamalaki at pinakaimportanteng bahagi ng lipunan, ang sektor ng paggawa.

Si Atty. Arellano ay tubong ilocos at anak ng isang magsasaka. Nagtapos ito ng abugasya at siyang nagtayo ng LAWIN na nagbibigay ng libreng tulong sa mga manggagawa sa usaping pang-legal.
Si Atty. Montaño na kilalang pro-bono lawyer ay mula naman sa Cotabato at anak din ng isang magsasaka.
Isang newsboy vendor naman si Atty. Matula mula sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur bago nag-aral ng abugasya at nakapagtrabaho bilang isang law professor sa Laguna, Manuel L. Quezon University (MLQU) at Metro Manila. Bukod sa kasalukuyang pangulo ng FFW, Chairman din si Matula isang sa pinakamalawak na labor coalition na NAGKAISA.
Si Neri Colmenares naman ay isang human rights lawyer at aktibista na naging mambabats mula sa Bayan Muna party-list na nagsulong at nakipaglaban para sa interes ng mga manggagawa gaya ng usapin sa sweldo at pagbuwwag sa “End-of-Contract” o mas kilala sa tawag na ENDO.
Si Leody De Guzman ay tubong Naohan, Oriental MIndoroat anak ng isangmagsasaka. Nagtapos sa kursong Custom Administration at isa sa mga naging founder ng NAGKAISA Labor Coalition.
LABOR WIN ang naging batayan ng pagkakaisa ng limang kandidato na nangakong magtutulungan sa kani-kanilang kampanya upang masiguro na magkakaroon ng kinatawan ang mga manggagawa sa Senado.
L-Lumikha ng disenteng trabaho na walang pang-aabuso lalo na sa kabataan at kababaihan.
A-Agrikultura at industriya ay palalakasin kasama na ang pagpapalawig ng manufacturing sector sa bansa.
B-Babaan ang presyong pangunahing bilihin, pamasahe at pabahay.
O-OFW legal defense, lalona sa mga kababaihang biktima ng human trafficking.
R-Regular na trabaho, at wakasan ang ENDO.
W-Wages. Pambansang minimum wage na nakabubuhay ipatupad.
I-Insurance, isang unemployment Insurance para sa mga tinatanggal at nawawalan ng trabaho.
N-No to Chacha o Charter-Change!
“Hindi po pwede na sa mahabang panahon ay magpatuloy ang kontraktwalisasyon sa ating manggagawa. Dahil ang ating mga manggagawa ay tao rin, regular ang kanilang pangangailangan, nagbabayad ng kuryente, ng tubig, ng tuition fee, ng bahay, regular. Kaya hindi pwedeng bigyan sya ng trabahong kontraktwal na walang regular nakita,” paliwanag ni De Guzman.
Naging isang malaking usapin ang kontraktwalisasyon laluna ng hindi ito nawakasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bahagi ng kanyang pangako noong panahon ng kampanya sa pagka-pangulo.
Kasama din sa isyung tinalakay ng LABOR WIN sa SENADO ang tungkol sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN at ang excise tax na lalong nagpapahirap sa mga ordinaryong manggagawa. CPM