70th International Human Rights Day!
Maynila, Pilipinas — Ang Center for People’s Media (CPM) kasama ang People’s Media Advocacy Asia (PMAA) ay nakikiisa sa sambayanang Filipino at maging sa ibang nasyon para gunitain ngayong araw (Disyembre 10) ang ika-70 Anibersaryo ng Pandaigdigang Araw ng mga Karapatang Pantao (International Human Rights Day).
Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isang makasasayang dokumento na unang pinagtibay at ipinahayag noong 1948 sa ikatlong sesyon ng United Nations General Assembly (UNGA) na may resolusyon bilang 217 sa Palais de Chaillot, Paris, France.
Sa bansa, naging bahagi ng paggunita nito ang pagsasagawa ng mga kilos protesta ng iba-ibang sektor.
Inilunsad din ng mga Non-Governent Organization at iba pang human rights group gaya ng Kilusang Artikulo Trese ang “Citizens for the Promotion of Human Rights” (CFHR) na idinaos mismo sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) sa Lungsod Quezon.
Ang Kilusang Artikulo Trese ay naglalayong iparating sa pamahalaan ang pagrespeto sa buhay at karapatang pantao kasama na ang mariing pagtutol sa patuloy na extrajudicial killings sa bansa. Binuo nitong Sabado (Disyembre 8) ang grupong Kilusang Artikulo Trese na naganap sa Simbahan ng Baclaran. Bukod dito, nagkaroon din ng mga talakayan hinggil sa Pambansang Kalagayan ng Karapatan Pantao at paglulunsad ng isang online database system kaugnay ng Human Rights Observatory.
Isang korsyento rin ang naganap na may temang “TUMINDIG KA, IPAGLABAN ANG KARAPATAN” na mismong inawit ng BUKLOD.
KAPAG KABIG NG PUSO NA DUMALO DITO O SA IBA PANG MGA KAGANAPAN… TARA. CPM
#STANDUP4HUMANRIGHTS