Lahat ay may karapatan — PKKK Youth!

ni Strawberrie Duque at Ariane Guerrero II

MAYNILA, Pilipinas — Nagsagawa ng “Social Media Training” ang samahan ng Pambansang Koalisyon ng Kababaihan sa Kanayunanan  (PKKK) katuwang ang Girls Advocacy Alliance(GAA).

Ang training workshop tungkol sa social media ay naglalayong ipakita kung paano ang wastong paggamit nito sa makabagong panahon. Bukod dito, habol din ng kasanayan na maiparating sa bawat menor de edad na babae amg kanilang mga karapatan sa pamamagitan ng larawan o pagkuha ng aktwal na video gamit ang kanilang mga smartphone.

Ang PKKK ay naglalayon na protektahan ang karapatan ng bawat indibidwal na batang babae. Habol din nitong pukawain ang damdamin ng mga kabataan na nakakaranas ng karahasan at pang-aabuso.

Ginanap ang social media training sa Meranti Hotel, Lungsod Quezon na dinaluhan ng mga kabataan mula sa iba-ibang probinsya noong ika-anin hanggang ika-pito ng Oktubre taong kasalukuyan. CPM

Related Post