Social media training, instrumento sa pagbabago!

Maynila, Pilipinas“Malaking bagay ang natutunan ng bawat isa sa amin na nakalahok sa social media training na ito,” pahayag ni Ronnie Dela Cruz, Vice President ng local union shopsteward na mula sa Meycauyan, Bulacan, distribution center.

Diana Navarro mula sa CPM habang pinag-uusapan ang pag-eedit ng mga larawan gamit ang smartphone.

Ani Ronnie, lubos ang pasasalamat niya at ng kanilang national union na The Red System Company Inc., Employees Association (TRCI-EA-FFW) na naging bahagi sila ng Social Media Training na inorganisa ng Federation for Free Workers (FFW) katuwang ang Center for People’s Media (CPM).

Dahil dito, mas lubos nilang naunawaan ang malaking papel ng Social Media para maging instrumento sa paghahatid ng mga impormasyon hindi lamang sa kanilang mga miyembro kundi maging sa iba pang manggagawa.

Ang tatlong araw na pagsasanay ay ginanap noong ika-28, 29 at 30 ng Septiembre sa mismong tanggapan ng FFW sa Taft Avenue kanto ng Quirino sa Malate, Maynila.

Mga kalahok sa CPM-FFW Social Media Training, habang nagsasagawa ng kanilang standupper.

Naging tampok sa training workshop ang pag-unawa at kung paanong magagamit ang Meme, Standupper, Street Photography kasama na ang Photo at Video Editing para mas maging aktibo silang makapag-post o publish sa kanilang bubuuing Facebook Fan Page.

Si Anthony Biona mula sa CPM, habang nagpapaliwanag hinggil sa mga naging gawain sa training.

Umaasa ang pamunuan ng TRCI-EA-FFW na sa bagong bitbit na kaalaman, mas mapapayabong nila ang paglahok ng kanilang mga miyembro sa mga gawain ng organisasyon. Bukod dito, inaasahan din nilang (TRCI-EA-FFW) magiging katuwang ang CPM sa mga hakbangin kanilang tatahakin kaugnay sa usapin ng social media. CPM

Related Post