by John Paul S. Descalso

Ang karanasan ko sa CPM o Center for People’s Media ay hindi basta-basta, masasabi kong isa itong tunay na oportunidad upang ako pa nga ay mas matuto at mamulat sa aking larangan na lakarin. Nakita ko ang halaga ng bawat oras at sandali, magkaroon ng pakialam sa aking kapwa lalo na sa mga manggagawang Pilipino.

Ang aking karanasan bilang isang intern ay naiiba mula sa karamihan, natuto akong kumawala sa aking kahinaan, iyon ay katamaran. Hindi lamang sa ugali at karakter kundi maging sa aking kakayahan at kapasidad bilang isang mag-aaral ng komunikasyon natuto rin akong mag edit ng bidyo, magsulat ng balita, makinig, magbasa at mag analays nito.

Si John Paul Descalso kasama ang Everett Program Team from Sta Cruz, California na sina Josefina Alexa Pandac and Amber Holguin nag-a-asess kaugnay ng Social Media Training na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza Hotel.

Natuto rin ako na kumuha ng litrato at gumamit ng kamera mapa cell phone man o DSLR, bagama’t ako’y baguhan pa lamang dito ay nagagawa kong mag enjoy at gawin ng malaya kung ano ang aking naisin.

Masaya ngunit hindi naging madali ang aking mga pinagdaanan dahil may mga pagkakataon na kailangan mong isakripisyo ang mga pang personal mong bagay at gawain, ngunit mapalad ako dahil naging isa ako sa mga intern ng CPM, hindi lamang maluwag sa oras, maraming matututunan o ano kundi kasama na ang bonding sa bawat isa, intern man o mas nakatataas sa amin.

Social Media Training at Sofitel Philippine Plaza Hotel, Pasay City.

Isa sa mga masasayang sandali ko rito ay ang seminar kasama ang iba’t-ibang mga union sa Sofitel, sa lungsod ng Pasay. Bukod sa mga pagkaing masasarap at komportableng lugar ay nagkaroon ako ng mga panibagong kaalaman sa pag byahe, mga bagong kaibigan na madalas sa panahon ko ngayon ay iniiwasan o ilang ang mga kabataan dahil hindi ko sila kasing edad, kung mayroon man sa union ay iilan lamang.

Sa aking panayam sa kanila, marami akong napagtanto at natutunan sa kanila, na hindi nila ito basta ginagawa lamang para sa kanilang sariling interes at ikabubuti kundi para na rin sa kinabukasan ng mga kabataang magkakaroon ng trabaho para sa hinaharap.

Noon hindi ko ganoon pinapansin at iniintindi ang union o mga trabaho at problema ng aking bansa, ngunit ngayon mas nagkaroon ako ng interes sa ganitong mga bagay kaysa sa paglalaro o pag sasayang ng aking oras at panahon sa mga bagay na wala naman talagang kabuluhan. At higit pa rito, mas naintindihan ko pa ang aking magulang at mas nabigyang pansin ang kanilang mga paghihirap para sa aming mga anak nila.

Workshop training para sa mga manggagawa hinggil sa Social Media.

Kaya naman katulong nila, ako ay nagsusumikap na i-encourage ang aking mga kapatid upang mag pursigi at mas pagbutihan ang kanilang pag-aaral. Ako ay tapos na sa aking internship sa CPM ngunit mas pinili ko na manatili at maging isang volunteer sa kanila.

Nais ko pang matuto, kahit may mga pagkakataon na maaari akong magkamali at panghinaan ng loob. Ngayon na ako ay magtatrabaho na rin, hindi lamang bilang media para sa mga union kundi para mas maintindihan ko pa sila bilang isang ahente na may kakarampot na kaalaman ngunit handang matuto at mamulat pa sa buhay.

Sa aking palagay, mga bagay na aking nasaksihan, natutunan at naranasan ay magagamit ko hindi para maging isang mahusay na agad kundi upang mas magsumikap pa at hindi lang basta manatili sa kung ano na ako ngayon, kundi tatayo ng may pagpapakumbaba pa rin at respeto sa aking kapwa. Nang mayroong pag iintindi at lakas ng loob na ipaglaban kung ano ang tama at nararapat sa tamang pamamaraan.

Mga manggagagwa ng NUTRIASIA na lumahok sa isang kilos protesta noong Agosto 27, 2018, ang National Hero’s Day!

Lagi kong tatandaan kung saan ako nagsimula, akin din itong pagyayamanin at ibabahagi rin sa iba dahil naniniwala ako na hindi pwedeng manatili lang sa akin ang mga bagay na nalalaman ko na, dapat koi tong ibahagi ng sa gayon ay matutunan din ng iba at magamit din sa mga bagay na may halaga, katuturan at kapakinabangan.

Hindi pa man kasing sikat o kasing laki ng ibang mga estasyon ang CPM para sa akin, ito ay may tunay na puso Pusong puno ng pagsasakripisyo para making, umabot at maghatid ng balita para sa mga tao gamit ang social media. Kung Malaki ang naitulong sa akin, sa mga kapwa ko intern at sa mga union, sigurado ako na Malaki rin ang maitutulong nito para sa iba.

“Everyone can be a media,” ika ng nila sir. Hindi ako mananahimik lang, mag-iingay ako! John Paul S. Descalso po, proud to be a CPM intern. Mahirap, masakit, pagpapawisan ka, nakapapagod pero masaya at worth it! CPM

Related Post