Unyon ng COKE Femsa, tuloy ang laban!
by Danny Fuentes, FCCU-SENTRO
MAYNILA, PILIPINAS — Kilos protesta ng mga manggagawa sa COKE Femsa Philippines, patuloy! Ayon kay Danny Fuentes, labor organizer ng SENTRO, tuluy-tuloy ang paglaban ng unyon sa walang habas na malawakang tanggalang ginagawa ng managements sa kanilang hanay.
Ani Fuentes, hanggat nananatili ang hindi pagkilala ng management sa karapatan ng mga manggagawa laluna ang paglabag sa kanilang Collective Bargaining Agreement (CBA) at hindi pagkilala sa karapatan ng mga manggagawa, hindi titigil ang unyon para sagkaan ito.
“Ang manggagawa ng San Fernando Coke Femsa Plant ay hindi tumitigil sa pagkilos dahil sa paglabag ng coke femsa management sa karapatan ng mga manggagawa at unyon, patuloy parin ang kanilang panawagan na ibalik ang mga natanggal na manggagawa lalo na ang mga opisyales ng unyon, paggalang at pagrespeto sa unyon at sa collective bargaining, itigil ang lahat na mapanghating propaganda para mapahina ang mga pagkakaisa at pagkilos ng mga manggagawa at unyon na kumikilos para ipagtanggol at ipaglaban ang kanilang mga karapatan.” dagdag pa ni Fuentes.
Naniniwala ang pamunuan ng Federation and Cooperation of Cola Beverage and Allied Industry Union (FCCU) na ang anumang pagsubok na nararanasan ng kanilang mga kasapi ay kanilang malalampasan laluna kung sama-sama nila itong makikilusan. CPM
#heycokefemsarespectworkersrights
#organizefightwin
#wefightforthefuture
#ipagtanggolangregularnatrabaho
#wearefccusentroiuf