SONA ni Duterte ibasura!
MAYNILA, PILIPINAS — Nagkaisa ang mga labor groups para tutulan ang naka-ambang Charter-Change ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at wakasan ang End Of Contract or ENDO.
Ang malawakang pagkilos ng mga manggagawa at ibang grupo ay ginanap sa kahabaan ng commonwealth avenue sa Lungsod Quezon patungo sa Batasang Pambasan para sa ikatlong State Of the Nation Address (SONA) ni Duterte nitong 23 July 2018.
Lumahok din ang mga mag-aaral, mga taong simbahan at maging mga maralitang taga-lungsod na siyang direktang apektado ng ipinatupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.
Panawagan ng labor groups ibasura ang cha-cha, wakasan ang endo, igalang ang mga kababaihan, itigil ang patayan at patalsikin si duterte.
Malaki ang paniniwala ng mga manggagawa na sa sama-samang pagkilos magagawa nitong mabago ang lipunan para na rin sa kapakanan ng bawat mamamayang Plipino. CPM