PILMI-KASAMA handang-handa na sa pakikipag-CBA!

by Erlinda Boncales
Maynila, Pilipinas — Mga empleyado mula sa Pinagsamang Layunin ng mga Manggagawa Ilsin Philko, Inc – Katipunan ng mga Samahan ng mga Manggagawa (PILMI-KASAMA) handa nang humarap sa kumpanyang Ilsin Philko, Inc para isang Collective Bargaining!
Labing limang opisyal ng unyon ang dumaan sa isang pag-aaral kaugnay sa Collective Bargaining Agreement (CBA) tactics noong Hulyo 15, 2018  (Linggo) na ginanap sa tanggapan ng Circle of Advocates for Workers (CAW) sa Lungsod Quezon.
Layon ng pag-aaral na mapaghandaan ng mga lider manggagagawa ang kanilang kauna-unahang sama-samang pakikipagtawaran bilang isang unyon sa management ng Ilsin Philko, Inc. Ang PILMI-KASAMA ay mayroong 197 regular na miembro na possible mabiyayaan sakaling magkasundo ang kumpanya at unyon sa kanilang gagawing CBA.
Ang paghaharap na ito para sa pakikipagtawaran (bargaining)ay malaking hamon sa mga opisyales ng PILMI-KASAMA,  sapagkat ang mga miyembro nila ay umaasa na ito na ang simula ng pagbabago sa kanilang kalagayan sa loob ng nasabing pagawaan.

Ang PILMI-KASAMA ay nabuo bilang isang unyon noong February 2, 2018 sa kabila ng anti-union campaign ng may-ari kung saan umpisa pa lamang ng pagtatayo ng unyon, pitong empleyado na pawang opisyales ng unyon ang agad nilang tinanggal. Ito’y dahil na rin sa pagiging aktibo sa pag-oorganisa. Ang mga natanggal na empleyado ay kasalukuyan ngayong inilalaban ang kanilang kasong illegal dismissal sa tanggapan ng Labor Department.

Ang kumpanyang Ilsin Philko, Inc. na matatagpuan sa Mambungan, Antipolo City ay pagmamay-ari ng mga Koreano na siyang suppliers ng SM Department Store ng mga Parisian shoes. CPM

Related Post