Koryanong kumpanya, involve din sa kontraktwalisasyon

MAYNILA, Pilipinas — Jisoo Garments MFG corporation patuloy na nagha-hire ng mga kontrakwal sa kanilang kumpanya. Ito’y ayon na rin sa pahayag ni Ariel Garcia, Pangulo ng Jisoo labor union.

“Mahigit nang isang taong ipinapatupad ng Jisoo Management ang illegal praktis ng contractualization. Base sa aming tala, aabot na sa isandaang (100) kontraktwal ang tuluy-tuloy nitong pinagta-trabaho sa kumpanya ng pabalik-balik,” Paliwanag ni Garcia.

Ang Jisoo na pag-aari ng mga Koreano na nag-e-export ng mga RTW sa ibayong dagat ay naka-rehistro sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa Rosario, Cavite noong pang Hulyo 5, 2002.

Panawagan ni Garcia sa Departmenrt of Labor and Employment, sana’y mapagtuunang pansin ni Labor SecretarySilvestre Bello ang problema ng mga manggagawa sa Jisoo Garments, nang sa gayon mabigyan ito ng nararapat na kaparusahan.

“Labag na sa Labor Code maging sa Occupational and Health Standard ang Jisoo Garmets kaya’t nararapat na itong mabigyan pansin ng DOLE sa mas lalong madaling panahon,” dagdag pa ni Garcia.

https://www.facebook.com/avelina.caseres.10/videos/478925549221650/

Ang Jisoo garments ay may kabuoang pitong daang (700) empleyado kung saan tatlong daan (300) dito ang mga regular na manggagawa. CPM

Related Post