Social media bagong armas ng mga manggagawa!
by Diana Navarro
Maynila, Pilipinas — “Kailangan lumakas ang loob nila, kailngan nating mag kwento para hindi nila tayo makalimutan.” Ito ang iniwang mensahe ni Jim Libiran, Pangulo ng People’s Media Advocacy Asia – Center for People’s Media (PMAA-CPM) sa naganap na Social Media Training Workshop noong ika-30 ng Hunyo at ika- 1 nang Hulyo, sa Sofitel Philippine Plaza Hotel , sa Lungsod ng Pasay.
Layunin nang pagsasanay na maipaunawa kung gaano kalawak at kalaki ang impluwensya nang social media hindi lamang para sa mga kabataan kung hindi maging sa mga manggagawa. Aabot sa tatlumput siyam na tao ang dumalo sa pagsasanay mula sa iba-ibang unyon at pederasyon.
Naging tampok sa training ang tungkol sa tamang paggamit ng social media at kung paano ito magiging epektibo para sa adbokasiya ng mga manggagawa laluna sa kanilang mga unyon, gaya ng paggamit ng “Meme” at paggawa ng mga disenyo na makakatulong para maiparating ang nais nilang mensahe sa publiko.
Naging katuwang ng CPM sa training workshop ang mga interns mula Everette Program mula Santa Cruz, California at ang ICCT Colleges Foundation Inc., sa Cainta, Rizal. CPM