LGBT workers right, tagumpay na nailunsad ng NUWHRAIN-PPC!
by Rommel Morales, NUWHRAIN-PPH
Maynila, Pilipinas — Awareness forum tungkol sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender (LGBT) workers rights na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza Hotel sa Pasay City, dinaluhan ng iba’t ibang grupo.
Ang forum na isinagawa ng National Union of Workers in Hotel Restaurant and Allied Industry o NUWHRAIN-PPC-LGBT ay naglalayong magbahagi ng mga kaalaman kung paanong makakaiwas sa pagkakaroon ng HIV. Bukod dito, habol din ng forum na makaugnayan ang LGBT community mula sa ibang hotel at industriya.
Kabilang sa mga naging panauhin ng forum sina Jesi Corcuera na dating starstruck ng Pinoy Big Brother (PBB) housemate at isang transman kasama na rin si Nil Nodalo, Pangulo ng transman, LGBT activist and transman pilipinas founder.
At ang mga naging guest speakers naman sa nasabing okasyon na nagbahagi ng kanilang mga kaalaman ay sina Nassef Mabilang Adiong, Founder of co-iris International Relations and Islamic Studies Research Cohort and PHISO (Philippine International Studies Organization), Joshua Mata ng Labor Education And Research Network (LEARN) at dalawang tagapagsalita mula sa THE RED RIBBON PROJECT (HIV) awareness.
Naniniwala ang NUWHRAIN-PPC-LGBT, na ang inumpisahang forum ay posibleng maging daan para maka-enganyo ng iba pang LGBT community para mas mapalakas ang kanilang hanay at makapagbuo nang isang unyon para mabigyang proteksyon ang kanilang mga karapatan at trabaho sa loob ng pagawaan. CPM