Tanggalan ng manggagawa sa COKE FEMSA, patuloy!

by Giear Khaei

San Fernando, Pampanga — Pagtatanggal ng mga empleyado sa isang kumpanya ng softdrinks, patuloy!

Ayon kay Alfredo Maraño, opisyal ng Federation and Cooperation of Cola, Beverage and Allied Industry Unions (FCCU), walang malinaw na basehan ang gagawing pagsibak ng Coca-Cola FEMSA sa kanilang mga kawani.

Aniya, ang hakbangin ng manedsment ay hindi dumaan sa anumang konsultasyon at hindi rin pormal na na-abisuhan kahit ang mga unyon sa lokal kaugnay ng pagpapatalsik sa mga manggagawa.

Limang manggagawa ang napipintong i-terminate ng kumpanya sa susunod na buwan, ito’y matapos umano ang pakikipagpulong ng Manedsment sa Coca-Cola Bottlers Monthlies and Clerical Employees Association (CCBMCEA) noong ika-29 ng Hunyo, na kung saan, inihayag Coca-Cola FEMSA ang kanilang “Project Efficiency.

Sa paliwanag ng Coca-Cola FEMSA, ang hakbang na malawakang tanggalan ay epekto ng aprubadong batas sa buwis o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law noong Disyembre 2017. Sinabi pa ng Manedsment, ang paglulunsad nila ng Project Hybrid, na siyang hahawak para magbenta ng kanilang mga produkto ang isa sa dahilan kung bakita kailangan magbawas sila ng mga manggagawa.

Tinatayang umabot na sa humigit kumulang 753 na manggagawa ng Coca-Cola FEMSA ang nawalan ng trabaho sa unang quarter ng taong kasalukuyan.

Patuloy naman ang iba-ibang porma ng protestang isinasagawa ng mga manggagawa para ipanawagan sa Manedsment ng Coca-Cola FEMSA na bigyang respeto ang kanilang karapatan at hanapbuhay. CPM

Tanggalan ng manggagawa sa COKE FEMSA, patuloy!

Ayon kay Alfredo Maraño, opisyal ng Federation and Cooperation of Cola, Beverage and Allied Industry Unions (FCCU), walang malinaw na basehan ang gagawing pagsibak ng Coca-Cola FEMSA sa kanilang mga kawani.

Scroll to top