Balik eskwela, balik problema!
By Jude Sia
Maynila, Pilipinas — Nanay ka, Tatay ka, minimum wage earner ka, doblado kung “Contractual” ka, di pa tapos ang school year, sa trabaho sibak ka na.
Aber, let’s see. Magkano ba ang minimum wage ngayon? Wag na lang dahil nakaka-kunsuming isipin. Let’s just go to the anatomy of going back to school. Kung pamilya ka na may pinag-aaral na tatlong mga anak na malamang e nasa public school (eh pano mapupunta sa private, minimum nga eh), magkano aabutin ang mga school supplies na bibilin mo?
8 subjects, ergo 8 notebooks. Tatlong taon na ang uniform ni Totoy at Ineng, kupas na at maraming beses ng ni-repair ang mga butas, don’t forget, pair yan, blouse and skirt at polo and pants. Bibili ka ng kahit dalawang set lang na pagpapalit-palitin. E ang bag, maawa ka naman wala ng maskara at salawal si Spiderman na design sa sobrang kalumaan nito.
Ang shoes… ang shoes… wag kalimutan, punggok na ang mga daliri ng mga bata sa paa dahil lumalaki na sila at ilang taon na ang shoes nila, palitan mo na rin.
Pad Paper, Ballpen, Lapis, Crayon, Ruler, Eraser etcetera… etcetera… blah…blah.
Baon. Bente pesos araw-araw. Yun na yun para sa tray. Maling o hotdog lang ang katapat nyan. Pag kulang e kwek kwek na lang at limang pisong choco. Kaya itsura ng mga bata… pisot at tuyot.
Pamasahe (optional lang po). Alangan namang mamasahe pa sila if the school is just a stone throw away. E paano kung intercontinental ballistic missile away ang school sa bahay nyo… twang… another hmnnn… 3 times 7 equals 21 pesosesoses na naman.
And the projects… the projects.
Aber, let’s do the math. Plus, plus, minus,minus, times, carry over, dibay, dibay… Hmnnn.
Tatay to Panganay… Nak tigil ka muna ng pag-aaral, tulungan mo muna si Nanay sa paglalako ng gulay. CPM