DOLE ibinulgar ang mga delingkwenteng kumpanya!

ni Jude Sia

Manila, Philippines — Labor Department inilabas na ang listahan ng mga kumpanyang  lumabag  sa Labor-Only-Contracting (LOC).

Mismong si Labor Secretary Silvestre Bello ang naglabas sa media ng top 20 na kumpanya noong Lunes (28 Mayo).

Sa nasabing listahan, nakasaad na ang kumpanyang pasok sa paglabag sa iligal na kontrawalisasyon ay ang mga establisyementong walang sapat na puhunan para magpatakbo ng isang negosyo. Kasama din dito ang mga kumpanyang tumatanggap ng mga manggagawa sa mga ahensya na ginagawa ang trabaho ng isang regular.

Sa datos ng DOLE, 99,526 mula sa 900,000 ng mga establisyemento ang kanilang na-inspeksyon noong Hunyo 2016 hanggang Abril ng taong kasalukuyan, nasa 3,377 na kumpanya ang hinihinalang lumabag sa labor only contracting.

At ang kabuuang apektadong manggagawa ay nasa 224,852.

Ngayon ang tanong,  ganito rin ba ang kumpanyang  inyong pinapasukan?

Ikaw ba ay kabilang sa mga mangagawa na dapat na ma-regular ngunit nanganganib na matanggal bago matapos ang iyong ikaanim na buwan sa trabaho?

Kung isa ka sa mga empleyadong nakakaranas nito, maaring mo itong iparating sa tanggapan mismo ng DOLE o kaya naman ay sa Center for Peoples Media (CPM). I-message lang ang  aming website sa www.cpmnews.asia o sa aming fb page sa https://www.facebook.com/cpmnewsasia  o kaya ay mag-email sa cpmnewsdesk@gmail.com. CPM

Related Post