Trahedya sa fastfood chain!
SENTRO NEWS:
TRAHEDYA SA FASTFOOD CHAIN (23 MARCH 2017)
Respect Fast Food Worker’s Alliance (RFFWA) hindi pabor sa Department Order 174 (DO174) na nilagdaan kamakailan ni Labor Secretary Silvestre Bello the third.
Ayon kay Ben leader ng RESPECT, sa karanasan kung hindi nila kinilusan ang kaso ng beinte dos anyos na si Marlo, na kanilang miembro, wala itong makukuhang anumang benepisyo mula sa ahensya.
Si Marlo ay namatay dahil sa cardiac arrest, matapos ang kanyang duty sa isang kilalang fast food chain.
Inilapit ng Respect sa management ang naging sitwasyon ni Marlo, pero ang tugon ng ahensya, limang daang pisong pabuya lamang ang inalok.
Bunsod nito, nagsagawa ng iba’t-ibang kilos protesta ang RESPECT para igiit ang karapatan ni Marlo… Sa huli, matapos ang sampung araw nang mailibing si Marlo, tsaka lamang nagbigay ng Pitumpu’t isang libong piso ang nasabing manning agency.
Para kay Ben, ang naturang DO174 ay kaparehas lamang ng naunang DO… na sa huli manggagawa ang lugi at talo. CPM
PENALTY CODE PINABORAN NG MIGRANT WORKERS (23 MARCH 2017)
Bagong penalty code para sa mga employment agency na aabuso sa mga Overseas Filipino Workers o OFW, naging sentro ng ika-limang taunang pangkabuuang asembliya ng Progressive Labor Union of Domestic Workers.
Ayon kay Shiela Estrada, Pangulo ng Progressive Labor Union of Hongkong, naniniwala silang dapat bigyan parusa ang mga employment agency na lalabag sa kanilang mga karapatan bilang mga manggagawa.
Dapat aniyang sa mga mapapatunayang magkakasalang employment agency na patawan ito nang multang 350 thousandf Hongkong Dollars bukod pa ang pagkakakulong ng tatlong taon.
Daggad pa ni Estrada, sa kasalukuyang patakaran, nasa 50 thousand Hongkong Dollars lamang ang penalty sa sinumang employment agency na mapatunayang umabuso o nang abuso sa kanilang mga manggagawa.
Ang annual general assembly ay naganap noong Marso a-disi-nuwebe sa Lecture Theatre 12, City University.
Umaabot sa isandaang miembro nito na pawang kababaihan ang nagsidalo sa naturang okasyon. CPM
AKSYON KABABAIHAN
SENTRO NEWS, Balitang kababaihan at Manggagawa!
Tuwing Huwebes sa DZRH 666Khz mula 9:30pm – 10:00pm