DOLE: Ilang kumpanya sa Dabaw boluntaryong tinapos ang ENDO!

SENTRO NEWS:

DOLE: ILANG KUMPANYA SA DABAW BOLUNTARYONG TINAPOS ANG ENDO!
(23 March 2017)

Labor groups, hinamon ang Department of Labor and Employment o DOLE na magpakita ng ebidensya tungkol sa boluntaryong pagpapatigil ng kontratwalisasyon sa lungsod ng DABAW.

Ayon sa SENTRO-NAGKAISA, datos at hindi lamang report sa mga pahayagan ang kailangang ipakita ng DOLE.

Base sa report, inihayag ni DOLE Davao Regional Director Joffrey Suyao na may ilang kumpanya ang boluntaryong nag-regularize ng mga kontraktwal na empleyado matapos mapirmahan ang Department Order 174.

Ayon kay Mike Ibañez, coordinator ng SENTRO-Davao, mula pa noong nakaraang taon, mayroon nang napabalitang pagbabawas sa kontraktwalisasyon nang limampung porsyento.

Subalit nang hingan ng records ang DOLE, bigo silang makakuha nito. Sinabi pa ni Ibanez, nabalitaan din nilang may dalawa hanggang tatlong kumpanya ang nag-regularize ng lahat ng kanilang kontraktwal na empleyado, subalit ang bilang na ito’y napakaliit kumpara sa kabuuan ng mga manggagawa sa Davaw. CPM

SINGIL SA KURYENTE TATAAS SA MAYO!
(23 MARCH 2017)

Partido Manggagawa o PM, tutol sa nakaambang pagtataas sa singgil sa kuryente ng MERALCO sa susunod na buwan.

Ayon kay Wilson Fortaleza, tagapagsalita ng PM, hindi katanggap-tangap ang rason ng MERALCO na magkakasabay na maintenance shutdown sa panahon ng tag-init.

Aniya, maraming pagkakataon na makapagsagawa ng pagkukumpuni ng mga planta, bakit itinataon nila ito tuwing buwan ng summer, kung saan mas tumataas ang pangangailangan sa kuryente.

Sinabi pa ni Fortaleza, ang ganitong senaryo ay nangyari na noong 2014 sa Malampaya Power Plant at inuulit na lamang ng MERALCO ngayon.

Para kay Fortaleza, dapat na painagpa-planuhang mabuti ng mga kumpanya ng kuryente ang lahat nang sa gayon, hindi naiipit sa huli ang mga konsumers nito.

Siniguro naman ng Energy Department na walang mangyayari anumang aberya sa suplay ng kuryente sa bansa, dahil sapat naman ang reserbang enerhiya ng mga planta. CPM

 

AKSYON KABABAIHAN
SENTRO NEWS, Balitang kababaihan at Manggagawa!
Tuwing Huwebes sa DZRH 666Khz mula 9:30pm – 10:00pm

Related Post