TV5 terminates 100 regular employees!

MANILA, Philippines — While labor groups are gearing up towards a dialogue with President Rodrigo Roa Duterte to discuss the total end to all forms of contractualization today (Monday 27 February), TV5 News management laid-off almost 100 of its regular employees.

In an article released by the “Buhay Media“, among the displaced workers are 34 assistant cameramen, 8 cameramen and 3 reporters from the News and Information division.

It added that the termination was done last Friday (24 February) before the celebration of the 31st anniversary of the EDSA People Power Revolution on 25 February (Saturday).

Employees who received the abrupt terminations were not given due notice and were not given any due process.

Affected employees claimed that they were simply called by the Human Resource Department (HRD) and given their paychecks depending on the service rendered, while others were immediately escorted outside the company premises.

Even worse, other employees knew only that they no longer had work when security personnel barred them from entering the building.

cpm_buhay-media-tv5-employees-union

Meanwhile, a memorandum obtained by the Media Newser Philippines from TV5 President and CEO Chot Reyes stated “despite operating at a financial loss for the past years, the company has exerted all efforts to minimize the effects of the organizational restructuring on our people… As a result of an extensive study, it has become evident that some jobs and skills will no longer be required by the company, while some other positions are deemed overmanned.”

The second wave of layoffs is expected this week. One source says the next terminations might include those in the supervisory and managerial positions, but it is yet to be confirmed today (Monday, February 27).

TV5 Employees Union released their official statements in response to the massive termination by the company;

Noong nakaraang biyernes, Pebrero 24, 2017 ipinatawag ng management ang pamunuan ng ating unyon, sinabi nilang kailangan daw magtanggal ng higit sa 100 mangagagawa (98 mula sa rank and file at ang iba mula sa supervisor at managers). Pagdadahilan nila na nalulugi daw ang kompanyang TV5. Lingid sa ating kaalaman habang nagaganap ang usapan, ay kinausap at binigyan ng memo ang mga manggagawang target nilang tangalin. Sa araw ding iyon ibinigay ng management sa atin ang listahan ng mga manggagawang tinanggal at tatanggalin na umabot sa 98 na miyembro ng ating unyon.

Napag-alaman natin na ang dahilan na nakasaad sa memo ay hindi daw sila qualified sa kasalukuyan nilang posisyon ayon sa kanilang evaluation, taliwas ito sa pahayag nila sa naganap na meeting na “kailangan daw nila itong gawin para mag-survive pa ang kumpanya sa pagkalugi” Ang masakit pa marami sa atin ang mahigit pa sampung taon sa kasalukuyang posisyon at tsaka nila sasabihin na hindi tayo qualified? Hindi magkatugma ang kanyang pahayag sa pamunuan ng unyon at maging sa mga kasapi ng unyon na kanyang nais tanggalin.

Mga kasama, malinaw ang mensahe ng pakanang ito ng kumpanyang TV5, Pangunahin niyang layunin ay huwag mabawasan ang kanyang TUBO at higit pa itong palakihin sa anyo ng pagtatanggal ng regular na manggagawa at pagpapatupad ng kontraktwalisasyon. Magagawa lamang niya ito kung pahinain niya ang ating unyon na tanging sandigan ng manggagawang inaapi at sukdulan pang buwagin ito.

Tahasang din ang ginawang paglabag ng kumpanyang TV5 sa ating mga karapatan na isinasaad ng batas (ayon sa Labor Code kailangan ng 30 days notice mula sa management kung may balak na retrenchment o pagsasara ng kumpanya at kaakibat dito ang kanilang dahilan).

Para sa kaalaman ng lahat, ang TV5 ay under sa MPIC ( Metro Pacific Investment Corp) ni MVP. Ibig sabihin maari niya itong isalba o tulungan gamit ang ibang kumpanya na pag-aari niya na may limpak limpak na TUBO hanggang sa ganap na pagbangon nito. Sa katunayan, nakasulat sa financial statement ng TV5 na galing sa SEC ( security and Exchange Commission) na ang perang ipinambili ni MVP sa TV5 ay nagmula sa retirement fund ng PLDT. Kapag para sa kanyang pakinabang kaya niyang gumawa ng paraan pero bakit ang pagsalba sa manggagawa hindi nya magawa? Hindi parehas ang laban.

Bilang mga manggagawa ng media, meron tayong mga responsibilidad. Responsibilidad natin ang maghatid ng serbisyo at tamang impormasyon sa mamamayan, responsibilidad din ang matugunan ang pangangailangan ng atin pamilya at responsibilidad tulungan ang kapwa manggagawa.

Sa ganitong hirap ng kalagayan, marapat lamang na tayo’y magkaisa at manindigan sa abot ng ating makakaya upang labanan ang atake sa ating sahod, trabaho at karapatan.

Biguin natin ang pakana ng kumpanyang TV5 na durugin ang ating unyon at yurakan ang ating mga lehitimong karapatan.

Bilang mga manggagawang nagmamahal sa ating trabaho, pamilya at kapwa mangagagawa, tungkulin natin na ipagtanggol ang ating hanay. Sama sama nating haharapin ang atakeng ito hanggang sa mapagtagumpayan.

MANGGAGAWA SA TV5 MAGKAISA!
MANGGAGAWANG TINANGGAL IBALIK!
SAHOD, TRABAHO AT KARAPATAN IPAGLABAN!
IBALIK ANG FALLEN 98! CPM

Related Post