WELGA napipinto sa COKE Femsa!

Maynila, Pilipinas — Mga kawani ng COKE Femsa Philippines, ipinanawagan sa kumpanya na agarang itigil ang iba-ibang porma ng paglabag sa karapatang ng mga manggagawa!

Sa naganap na General Membership Assembly (GMA) nang dalawang unyon na pawang miembro ng Federation and Cooperation of Cola Beverage and Allied Industry Union-Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (FCCU-SENTRO) Sentro Food and Beverages Workers Council – IUF, inilatag ng pamunuan ang kani-kanilang argumento kaugnay ng mga Unfair Labor Practice (ULP) ng management sa mga kasaping unyon.

Ang pangkalahatang pagpupulong ng FCCU Sentro ay isinagawa sa planta nito sa Canlubang.

General membership Assembly ng FCCU-SENTRO na ginawa sa planta ng Canlubang.
General membership Assembly ng FCCU-SENTRO na ginawa sa planta ng Canlubang.

Ayon sa pamunuan ng UNYON, anumang hakbangin ng management kontra manggagawa ay tatapatan nila ng sama-samang pagkilos hindi lamang ng kanilang miembro sa nasabing planta kundi maging ang iba pa nitong kasapian sa iba-ibang lalawigan.

Sinabi pa ng pamunuan ng FCCU SENTRO, ilan na sa mga planta ng COKE ang nakapag-file na ng kani-kanilang “Notice of Strike” sa mismong tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at anumang araw sakaling pakingan ng ahensya ang kanilang NOS, kagyat nilang isasagawa ang pagtirik sa mga planta.

Ang isa sa posibleng magsagawa ng tigil trabaho ay ang FCCU Sentro partners sa meycauyan bulacan kung saan naka-deadlock na ang kanilang pakikipagtawaran o Collective Bargaining Agreement –CBA.

Panawagan ng FCCU Sentro sa management ng COKE Femsa, tuluyang ihinto ang mga hindi maka-manggagawang aksyon sa loob ng planta, dahil kung hindi ito mahihinto, wala silang magagawa kundi magsagawa din ng iba-ibang kilos protesta sa lahat ng planta nito sa buong Pilipinas para bigyang proteksyon ang karapatan ng kanilang mga miembro sa kabuuan.

Samantala, nagpahayag naman ng pakikiisa at buong suporta ang unyon ng PEPSI sa Davao.

Ayon sa pamunuan nito, ang laban ng FCCU Sentro sa COKE Femsa ay laban ng mga manggagawa sa buong bansa at handa silang ipakita ang suporta sa anumang paraang legal.  CPM

Related Post