TAG kamusta na?
MANILA, Philippines – Tuloy pa ba ang laban ng Talent Association of GMA7 o TAG? Nasaan na ang TAG ngayon?
Ilan lamang ito sa mga tanong na hinahanapan ng kasagutan ng Center for People’s Media (CPM), matapos na manalo ang TAG sa kanilang inihaing kaso laban sa kumpanyang GMA-7 noong 2014 kung saan tumangging gawing regular ng kumpanya ang mga miembro ng TAG kahit pa nagserbisyo ang mga ito sa mahabang panahon.
Sa desisyon ng National Labor Relation Commission (NLRC) noong hulyo a-beinte dos taong 2015 (July 22, 2015) ang mga kontrakwal na miembro ng TAG ay idineklarang regular na empleyado ng GMA-7.
Ayon sa NLRC, ang mga kasapi ng TAG ay “entitled to security of tenure and all benefits and rights appurtenant thereto.”
Sa pahayag naman ng TAG, labis silang nagagalak sa naging desisyon ng NLRC, “it was a milestone for the media industry. As a group advocating for the labor rights of media workers in the Philippines, we consider this a very important milestone for the media industry and we hope that this sets a precedent for other labor issues across all media companies in the country.”
Matatandaang nagsagawa ng kilos protesta ang TAG noong ika-anim ng Hunyo sa mismong harapan ng GMA-7 main station nito sa Lungsod Quezon, ito’y matapos na umano’y ma-harass sila ng kumpanya at ipinanawagan ng grupo na wakasan na ang contractualization sa mga media.
Noong Abril, isinara naman ng GMA-7 ang kanilang ilang regional station bilang bahagi ng kanilang istratehiya para magbawas ng mga kawani at mapataas ang rating kasama na target na tumaas ang kita. Sa naging hakbang noon ng GMA-T, umabot sa dalawang daang empleyado ang naapektuhan. CPM