Ginigipit na mga unyonista, umaalma sa Yokohama

Ang Alliance of Yokohama Employees Union (AYE Rank & File) at Alliance of Yokohama Supervisor’s Union (AYS Supervisors) ay nasa proseso ngayon nang pakikipagtawaran (CBA) sa management ng YOKOHAMA Phl.

Ang CBA ay nasa mahigit ikatlong buwan na ngayon.

Pero ang masakit marami sa inilatag ng unyon para sa usaping pang-ekonomiya at iba pang benepisyo para sa mga manggagawa ay hindi dinidinig ng YOKOHAMA management. Isa sa mga manager na ito ay ang Pilipinong si Juanito C. Arona, na ngayong VP ng Operations Division ng kumpanya.

Imbes na pakinggan at tugunin ang makatwirang hiling ng mga manggagawa, higit pang panggigipit ang ipinataw ng management laban sa mga unyonista.

Katunayan ang union president ng AYE at AYS ay pinatalsik ng management. Naghain naman ito ng illegal dismissal at ito’y nasa tanggapan na ngayon NLRC.

Hindi lamang ang union president ang hinaharass ng management, maging ang iba pa nitong mga lider. Mayroong iba na inililipat ng puwesto o lokasyon ng kanilang papasukan.

Ngayong Biyernes (5 August 2016) magsasagawa ng First Friday Mass ang mga manggagawa na gaganapin sa YTPI Chapel. Layon ng MISA na magkaroon ng isang mapayapang pakikipagtawaran ng AYE (Alliance of Yokohama Employees) at AYS (Alliance of Yokohama Supervisors) sa YOKOHAMA management.

Subalit kung hindi magiging tutoo sa negotiating table ang management, at magiging traydor ito sa mga manggagawa, walang pupuntahan ang negosasyon.

Kung nais nang management ng isang maayos na usapan, tigilan na nito ang pangha-harass sa mga lider manggagawa.

Walang hanggad ang AYE at AYS kundi ang kapakanan ng mga uring mangggagawa.

Sa mga manggagawa sa iba-ibang sektor, hinihingi namin ang inyong suporta para hindi masadlak sa kawalan ang aming mga miebrong nasa loob ng kumpanya.

Suporta ng bawat manggagagawa ang aming hinihingi nang sa gayon, seryosong makipag-usap sa AYE at AYS ang management ng YOKOHAMA Philippines. CPM

Related Post